Mababaw Lang Ang Ploning At Hindi Pang Intelektwal!
Nakakabaliw!...
May blog ang isang kaibigan ko na review about Ploning...
Akala ko link lang...
Kaya pinagtawanan ko...
Wala naman kasi talaga akong pakialam sa mga intellectual na puna sa pelikula...
Aminado naman ako na hindi ako nag-aral ng film-making...
At ginawa ko lang ang pelikulang ito ayon sa kung paano ko siyang napapanood sa utak ko.
Later na realize ko...
Mukhang review niya talaga 'yon kaya na tense ako dahil baka ma-offend siya...
Bumawi na lang ako at nagsulat ng isang slightly seryoso...
Ito ang isinulat ko:
_______________________________________
Wala po akong intention na maging bayani sa paggawa ng pelikulang ito...
Lalong wala akong ilusyon na ito ang magbabangon ng industriya...
Nakakalungkot lang na ang dami palang matatalino sa paligid natin...
Pero nasan sila?
Bakit wala sa kanilang gumagawa ng pelikula?
Ready tayo parating pumuna ng gawa ng iba...
Pero ano ang ginagawa natin?
Matitinong manggagawa...
At hindi magagaling na taga-puna ang kailangan ng industria...
Ang totooong may alam at matatalino...
Sana gumagawa...
Hindi lang ngumangawa...
Mababaw lang ang Ploning...
'Yan ang sinigurado ko habang ginagawa ko ito...
Dahil ayokong mawala ang saya ng paggawa...
Hindi ko po pantapat sa Noli Me Tangere ang Ploning...
Isa lamang po itong pang-aliw sa walang magawang isa't-halahating oras...
Tulad ng Wowowee at iba pang mga teleserye na pinanonood ng milyong-milyong Pilipino araw-araw...
Ayokong maging matalino...
Gusto ko lang maging mababaw...
Para madaling maging masaya!
___________________________________
Oo..., may attempt ako na gawing mas makabuluhan ang oras na igugugol niyo sa panonood ng Ploning...
Kesa sa mga Super B, Mr. Suave at Wowowee...
Pero may isa akong paki-usap sa mga manonood pa lang ng Ploning...
Mababaw lang po ang pelikulang ito...
Kaya sana po sa panonood niyo...
H'wag niyong lagyan ng masyadong talino...
Dahil siguradong magkukulang ako...
Si Dante Nico Garcia lang po ako...
Hindi intelektwal... mababaw... masayahin...
Puso na lang ang ipampanood niyo ng Ploning...
'Yon kasi ang ibinuhos ko sa pelikulang ito!
It saddens me that in the pursuit of so-called "Free Speech," we hurt people's feelings. We forget that the essence of being human is compassion.
Are our hearts too hard that in the interest of free speech and so-called intellectualism, we get reckless and not care that other people are offended?
The knife wouldn't have left jagged marks had it been said in compassion/love...
Or objectivity.
Thursday, May 8, 2008
From the Blog of Ploning's Director
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
I totally agree with you, Direk Ga! There are a lot of people who claims to be great but all they do is criticize other people's work. Ngawa lang sila ng ngawa pero kulang sa gawa! No wonder our country never progresses.
Yeah right! They watch intellectual movies but the question is, are they applying it to their lives? If they do, then our country would have progresses!
Anyway, no matter what they say, still, a lot of people appreciated your work! Ploning is one of the greatest movies produced! Hope a lot of producers and good directors like you would be able to make great movies! Congrats to all of you for the success of your movie.
God bless!
Direk Ga, tama ang sabi nyo puso ang gamitin sa panonood ng Ploning, nandun ang saya, nandun ang lalim. binabati ko kayo sa isang napakagandang pelikula.
Makakarating po kay Direk Ga. :)
Salamat sa pagsuporta. :)
You can reach him at:
http://dantenicogarcia.multiply.com/photos/album/36/Mababaw_Lang_Ang_Ploning_At_Hindi_Pang_Intelektwal
God bless you too, and please keep supporting Ploning!
Sorry, eto pala blog ni Direk Ga. :)
Direk Ga's Blog
to the makers of PLONING----
I LOVE PLONING!!!!!!!!!!
This is the proof that Philippines cinema is still alive! Puno ng values at morals ang story.
I'm only an ordinary movie-goer, film enthusiast. Di ako kasing talino ng maraming kritiko kaya wag nyo pansinin kung mali ang pagkarebyu ko.
ACTING
7 stars
-yung iba ok. yung iba hindi. pero lahat sila, masayang panoorin
EDITING
10 stars
-mukang ok naman
CINEMATOGRAPHY (kasama ba dito yung colors?)
8 stars
-napakaganda ng palawan! pero parang hindi konsistent yung kulay ng pelikula. getz? ewan. kumbaga di maganda yung pagkaka "photoshop" kasi may parts na masyadong blue e di naman ganon ka-blue sa previous eksena (yung PRESENT time ng ploning yung sinasabi ko hindi yung PAST)
-pero maganda yung mga galaw ng camera! (pasensya na, Photoshopper kasi ako kaya napansin ko yun.. pero hehe baka iba sa pelikula talaga)
SPECIAL EFFECTS
4 stars
-di ko kasi sure... nung sumasayaw ba si Ploning at dad nya, mumu ba sila non? parang mumu kasi sila. baka iniimagine lang nung bata
-ahaha naweirdohan ako sa part dun sa HULI.. yung narealize ni Rodrigo (matandang Digo) na yung tinutukoy nung 2 batang muntik na nilang masagasaan ng tryk ay yung kuya nya (yung kuya nya na played nung sikat na artista na magaling)... nawirdohan lang ako sa effect na ginawa don. parang di talaga bagay. alam nyo yun? yungparang gumalaw yung background against dun sa ulo ni Rodrigo!
SOUNDTRACK/MUSIC
4 stars
-magaling yung paggamit ng music ng Palawan! fresh sa tenga!
-yung music nga lang parang pareho lang dun sa iba kong napapanood sa sine (hindi yung Palawan music ha, yung music talaga nung pelikula, scoring ba). walang dating masyado. pero ok lang di naman mahalaga at di halata.
STORY CONCEPT (concept lang ha)
9 stars
-i like it! napakalalim! hindi tipikal! hindi "love story" nanaman na romantic
EXECUTION (ng storyconcept)
3 stars
-nice yung concept pero.... bobo ba yung mga kasama ko? di nila nagets maraming bagay. kelangan ko pang i-explain. e yung isang rebyu na nabasa ko akala nya ni-rape si Ploning kaya di sya umuwi ng bahay. feeling din namin mumu yung sayaw ni ploning at dad nya. minsan nagtatanungan na kami sa sinehan kung PAST ba o PRESENT yung eksena. sensya na medyo slow kami!
SOUND
6 stars
-nakalimutan ko na kung ano yung napansin ko pero parang may kakaiba.
MORAL OF THE STORY
9 stars
-nakakatouch naman kasi eh. Ploning is about love. sabi din sa rebyu na nabasa ko, ploning is about God's love. and me and my churchmates love that about ploning!
EFFORT
10 stars! MAGNIFICO!
Magaling ang mga gumawa ng Ploning! Sana ay gumawa pa kayo ng pelikulang tulad nito. Di naman mahalaga ang teknikal na bagay... ok lang kahit di perfect. BASTA MAY KUROT SA PUSO AT MABUTING ARAL, 'yun ang mahalaga.
Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino!
God is good all the time!
Post a Comment