Showing posts with label Direk Dante Nico Garcia Speaks. Show all posts
Showing posts with label Direk Dante Nico Garcia Speaks. Show all posts

Thursday, May 8, 2008

From the Blog of Ploning's Director


Mababaw Lang Ang Ploning At Hindi Pang Intelektwal!



Nakakabaliw!...

May blog ang isang kaibigan ko na review about Ploning...
Akala ko link lang...
Kaya pinagtawanan ko...

Wala naman kasi talaga akong pakialam sa mga intellectual na puna sa pelikula...
Aminado naman ako na hindi ako nag-aral ng film-making...
At ginawa ko lang ang pelikulang ito ayon sa kung paano ko siyang napapanood sa utak ko.

Later na realize ko...
Mukhang review niya talaga 'yon kaya na tense ako dahil baka ma-offend siya...
Bumawi na lang ako at nagsulat ng isang slightly seryoso...

Ito ang isinulat ko:
_______________________________________

Wala po akong intention na maging bayani sa paggawa ng pelikulang ito...
Lalong wala akong ilusyon na ito ang magbabangon ng industriya...

Nakakalungkot lang na ang dami palang matatalino sa paligid natin...
Pero nasan sila?
Bakit wala sa kanilang gumagawa ng pelikula?

Ready tayo parating pumuna ng gawa ng iba...
Pero ano ang ginagawa natin?

Matitinong manggagawa...
At hindi magagaling na taga-puna ang kailangan ng industria...

Ang totooong may alam at matatalino...
Sana gumagawa...
Hindi lang ngumangawa...

Mababaw lang ang Ploning...
'Yan ang sinigurado ko habang ginagawa ko ito...
Dahil ayokong mawala ang saya ng paggawa...

Hindi ko po pantapat sa Noli Me Tangere ang Ploning...
Isa lamang po itong pang-aliw sa walang magawang isa't-halahating oras...
Tulad ng Wowowee at iba pang mga teleserye na pinanonood ng milyong-milyong Pilipino araw-araw...

Ayokong maging matalino...
Gusto ko lang maging mababaw...
Para madaling maging masaya!

___________________________________

Oo..., may attempt ako na gawing mas makabuluhan ang oras na igugugol niyo sa panonood ng Ploning...
Kesa sa mga Super B, Mr. Suave at Wowowee...

Pero may isa akong paki-usap sa mga manonood pa lang ng Ploning...

Mababaw lang po ang pelikulang ito...
Kaya sana po sa panonood niyo...
H'wag niyong lagyan ng masyadong talino...
Dahil siguradong magkukulang ako...

Si Dante Nico Garcia lang po ako...
Hindi intelektwal... mababaw... masayahin...

Puso na lang ang ipampanood niyo ng Ploning...
'Yon kasi ang ibinuhos ko sa pelikulang ito!



It saddens me that in the pursuit of so-called "Free Speech," we hurt people's feelings. We forget that the essence of being human is compassion.

Are our hearts too hard that in the interest of free speech and so-called intellectualism, we get reckless and not care that other people are offended?

The knife wouldn't have left jagged marks had it been said in compassion/love...

Or objectivity.