Labis-labis ang pasasalamat ni Judy Ann Santos sa GMA Films at sa GMA-7 dahil ito pa ang tumulong sa kanya para sa mas lalo pang ikatatagumpay ng Ploning (showing na sa April 30 under Panoramanila Pictures Co.) na ang direktor ay ang isa sa mga bestfriends ni Judy Ann na si Dante Nico Garcia.
"Alam mo yun nga, e. Na-realize ko din na...kasi yung Kaming mga Ulila, ang unang-una kong soap opera, sa GMA. Babalik at babalik ka talaga sa pinanggalingan mo kapag tumanda ka na.
"Oo, marami kang taong nakakasalamuha, marami kang taong nakikita, maraming tao ang nalalaman mo ang ugali after so many years, pero babalik ka pa rin sa mga taong tumulong sa ‘yo. Sa buhay na simple, sa buhay na ang mga kaibigan mo, totoo lang, babalik ka pala talaga sa ganun.
"Totoo pala yung kasabihan na yun na malayo man ang narating mo, malayo man ang hinulugan mong bangin, babalik ka pa rin kung saan ka nagsimula, at natutuwa ako sa GMA, kasi open sila for whatever opinions, open sila sa lahat ng bagay.
"Sa promotion, sa TV rights, nagbibigay rin sila ng advice. Kumbaga hindi naman lahat ng produksiyon gagawin yun sa ‘yo, ‘di ba?
"Kaya talagang sobra-sobra yung pasasalamat ko kina Ms. Annette [Gozon-Abrogar], na hindi nila ako contract star, pero sobra-sobra yung pagsuportang ginawa nila sa Ploning, talagang thank you, thank you talaga," mahabang pahayag muna ni Judy Ann sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Hindi pa naman kaya siya nag-iisip na lumipat na sa Siyete at umalis na sa Dos dahil sa pagka-impress niya't sobrang appreciation sa ginawa sa kanya ng Kapuso people?
"Hindi, kasi may kontrata pa ako, e."
Tinanong ng PEP kung ilang taon pa ba ang itatakbo ng kontrata niya with Dos?
"Isang taon pa. Siyempre hindi naman ako yung tipo ng tao na aalis lang dahil sa isang dahilan. Siyempre susumahin ko pa rin ‘yan paglipas ng mga panahon, marami pang puwedeng mangyari. Marami pang pagbabawi ang pupuwedeng gawin.
"Pero ang lamat, lamat. Ang nangyari, nangyari na, hindi mo na puwedeng ibalik yun. Sa nangyaring ‘yan, mas pinag-isip lang nila ako," makahulugang pagtatapos ni Juday.
-GMANews.tv
Friday, April 18, 2008
Juday appreciates GMA 7 support for Ploning
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment